Aklatang Tibak

Aklatan ng Aktibista at Sambayanang Pilipino


Leave a comment

Talks at the Yenan Forum on Literature and Art

Mao Zedong 1

“In our struggle for the liberation of the Chinese people there are various fronts, among which there are the fronts of the pen and of the gun, the cultural and the military fronts. To defeat the enemy we must rely primarily on the army with guns. But this army alone is not enough; we must also have a cultural army, which is absolutely indispensable for uniting our own ranks and defeating the enemy. Since the May 4th Movement such a cultural army has taken shape in China, and it has helped the Chinese revolution, gradually reduced the domain of China’s feudal culture and of the comprador culture which serves imperialist aggression, and weakened their influence. To oppose the new culture the Chinese reactionaries can now only “pit quantity against quality”. In other words, reactionaries have money, and though they can produce nothing good, they can go all out and produce in quantity. Literature and art have been an important and successful part of the cultural front since the May 4th Movement. During the ten years’ civil war, the revolutionary literature and art movement grew greatly. That movement and the revolutionary war both headed in the same general direction, but these two fraternal armies were not linked together in their practical work because the reactionaries had cut them off from each other. It is very good that since the outbreak of the War of Resistance Against Japan, more and more revolutionary writers and artists have been coming to Yenan and our other anti-Japanese base areas. But it does not necessarily follow that, having come to the base areas, they have already integrated themselves completely with the masses of the people here. The two must be completely integrated if we are to push ahead with our revolutionary work. The purpose of our meeting today is precisely to ensure that literature and art fit well into the whole revolutionary machine as a component part,that they operate as powerful weapons for uniting and educating the people and for attacking and destroying the enemy, and that they help the people fight the enemy with one heart and one mind. What are the problems that must be solved to achieve this objective? I think they are the problems of the class stand of the writers and artists, their attitude, their audience, their work and their study.”

Download here: Talks at the Yenan Forum on Literature and Art

Advertisements


Leave a comment

Ang Pangangailangan Para sa Isang Rebolusyong Pangkultura

JoseMariaSison5

“Ang balanse, padron o sintesis sa kultura na umiiral sa lipunan sa isang takdang istorikong antas sa lipunan ay walang iba kundi ang kaisahan ng magkakasalungat – ang kaisahan ng magkakasalungat na pwersang pangkultura. Ang kaisahang ito ay palaging isang temporaryong balanse na napapailalim sa dinamismo ng magkasalungat. Laging dinadaig at winawasak ng progresibong pwersa ang lumang balangkas na lagi namang pinipilit ng reaksyunaryong pwersa na panatilihin.

Kagaya ng di maiiwasang rebolusyon sa relasyong pampulitika at pang-ekonomya, hindi rin maiiwasan ang rebolusyon sa kultura. Sa katunayan, ang isang rebolusyong pangkultura ay kinakailangang bahagi ng rebolusyong pampulitika at pang-ekonomya.

Sa kasaysayan ng sangkatauhan, madaling makita na bago pa man ganap na umunlad ang pampulitika at pang-ekonomyang kapangyarihan ng isang nangingibabaw na uring panlipunan, binibigyan ito ng rebolusyong pangkultura ng mga kaisipan at layunin na nagsisilbing epektibong gabay sa pagkilos at higit pang pagkilos. Makakamit ng naghaharing uri ang kamalayan sa uri bago nito aktwal na naitatayo ang sariling kapangyarihan pang-estado at pinapalitan ang lumang kapangyarihan pang-estado at ang mga labi nito.”

Download here: Ang Pangangailangan Para sa Isang Rebolusyong Pangkultura


Leave a comment

Mensahe sa PAKSA Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura

JoseMariaSison4

“Ang mga kadre sa larangan ng kultura ay tulad ng mga kumander na namumuno sa mga batalyong pangkultura – ang masa na libu-libo, sampu-sampung libo at milyun-milyon ang dami. Ang mga tagasubaybay ng rebolusyonaryong mga obrang pampanitikan at pansining ay di mabibilang. Maaaring maulit nang napakaraming beses ang isang pagtatanghal ng dula o likhang-sining, kaya’t napakahirap sabihin kung gaano karami ang nakapanood nito. Maaaring limitado ang kakayahan sa paglalathala ng isang palimbagan, pero ang isang mahusay na akdang pampanitikan nama’y naipapasa-pasa at natatalakay nang walang tigil. Kung tunay na naglilingkod sa sambayanan ang ating gawaing pangkultura, tiyak na ang ating mga mambabasa’t tagasubaybay ay napupukaw at nagiging isang napakalakas na puwersa para sa rebolusyon. Sa ganito’y nagiging materyal na pwersa ang tema ng Kongresong ito, tulad din ng nagagawa ng isang sigaw-pandigma sa larangan ng labanan.”

Download here: Mensahe sa PAKSA Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura


Leave a comment

Mga Tungkulin ng Ikalawang Kilusang Propaganda

JoseMariaSison3

“Mahalagang pag-usapan ang Ikalawang Kilusang Propaganda dahil kailangan nating balikan ang di tapos na mga tungkulin ng rebolusyong Pilipino. Kailangan ang Ikalawang Kilusang Propaganda para minsan pang pukawin ang ating bansa sa pakikibaka para matupad ang mga pambansa-demokratikong tungkulin ng rebolusyong Pilipino.

Ang Ikalawang Kilusang Propaganda ay pagpapatuloy ng Unang Kilusang Propaganda at ng rebolusyong Pilipino kahit na ang kasalukuyang mga kalagayan ay ibang-iba sa umiiral noong panahon ng unang mga makabayang propagandista. Bagamat nananatili ang mga dating problema, may mga bagong problemang lumitaw na higit na nagpapahirap at nagkukumplika sa ating pambansang pakikibaka.”

Download here: Ang mga Tungkulin ng Ikalawang Kilusang Propaganda


Leave a comment

Krisis ng Kulturang Pilipino

JoseMariaSison2

“Ang kultura ay repleksyon ng ekonomya’t pulitika. Ang nangingibabaw na mga pwersa at bagong lumilitaw na mga pwersa sa ekonomya’t pulitika ang nangingibabaw na mga pwersa at bagong lumilitaw na mga pwersa rin sa kultura. Ang nagsasalungatang mga pwersang ito at ang kanilang mga esensyal na kontradiksyon ay nagkakaroon ng mga pang-ideolohiyang porma at depinidong makinarya sa larangan ng kultura.

Sinasaklaw ng kultura ang paraan ng pag-iral at tunguhin ng kaisipan sa pilosopiya, pulitika, ekonomya, syensyang pangkalikasan at panlipunan, sining at literatura, kaalaman sa batas at moralidad. Kabilang sa mga makinarya ng kultura ang mga institusyon, iba’t ibang tipo ng organisasyon at tauhan na nakakonsentra o nag-iispesyalisa sa gawaing pangkultura.

Gayunman, ang kultura ay hindi lamang pang-ideolohiyang repleksyon ng mga kasalukuyang pwersa at kontradiksyon sa ekonomya at pulitika. Ito rin ay akumulasyon ng mga ideya, kostumbre, kaugalian at katulad nito, mula pa noong bago nasulat ang kasaysayan, at nananatili sa kasalukuyang kalagayan hanggat may mga nagdadala at hanggat bahagi ng sikolohiyang panlipunan ng mamamayan.

Ang pangunahing pagtutuunan ng diskusyong ito ay ang paglalahad ng krisis ng kulturang Pilipino kaugnay ng krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Magpopokus tayo sa nangingibabaw na mga pwersa sa kultura hindi lamang sa pagsasalamin kundi pati sa reaksyon ng mga ito sa mga realidad at tunguhing pulitiko-ekonomiko, at sa proseso, sa pagkontra ng mga ito sa bagong lumilitaw na mga pwersa sa kultura at pagganap ng mga ito sa kanilang reaksyunaryong papel sa krisis ng kultura at lipunang Pilipino.

Magpokus tayo sa nangingibabaw na mga pwersa habang ginagampanan nila ang kanilang anti-nasyunal, anti-syentipiko at anti-mamamayang papel laban sa bagong lumilitaw na mga pwersa ng pambansa, syentipiko at pangmasang kultura.”

Download here: Krisis ng Kulturang Pilipino


Leave a comment

Isang Pambansa, Siyentipiko at Pangmasang Kultura

JMSspeechPCAS

“Para matupad ang bagong demokratikong rebolusyon ng mamamayang Pilipino, na komprehensibong rebolusyong panlipunan, hindi lamang kailangang magrebolusyon sa mga larangan ng ekonomya at pulitika kundi pati sa larangan ng kultura.

Kung hindi ganoon ang gagawin, magagamit ng US at lokal na mga reaksyunaryong uri ang kanilang pangkulturang institusyon at impluwensya para kontrolin nang walang tigil ang puso’t isip ng mamamayan at padaliin sa bawat larangan ang kontrarebolusyon.

Hanggang noong matapos ang dekada ’50, ang pagtatangkang ipagpatuloy ang pambansa-demokratikong rebolusyon ay isang malungkot na kabiguan dahil ang isa sa mga esensyal na sanhi ay ang kabiguan ng rebolusyonaryong partido na ilunsad ang bagong demokratikong rebolusyong pangkultura.

Ang masiglang pang-ideolohiya at iba pang pangkulturang gawain ng mga proletaryong rebolusyonaryo noong dekada ’60 ang naghatid sa bagong demokratikong rebolusyong pangkultura na sumiklab noong 1970-72 umpisa sa Sigwa ng unang Kwarto ng 1970. Ang rebolusyong pangkulturang ito ay nakatulong nang malaki sa pagsusulong ng bagong demokratikong rebolusyon.”

Download here: Isang Pambansa, Siyentipiko at Pangmasang Kultura


Leave a comment

Imperyalismong Pangkultura sa Pilipinas

JoseMariaSison

“Bakit dapat maging pambansa ang kulturang Pilipino. Matagal na itong bihag, problemado at pinagsasamantalahan ng kaisipang kolonyal sa ilalim ng mahigit tatlong siglo ng kolonyalismong Kastila at pagkaraa’y ng kaisipang kolonyal at neokolonyal na ipinataw ng imperyalismong U.S.

Ang lokal na kultura at ang umuunlad na pambansang kultura ay dapat mahalin at pagtibayin at gawing bahagi ng rebolusyonaryong kamulatang pambansa nang sa ganoo’y makapagsilbi sa pambansang pagpapalaya at maiwaksi ang mapanghamak na pagiging sunud-sunuran sa dominasyon ng mga dayuhan. Sa gayo’y marangal na makakapwesto ang bansang Pilipino sa komunidad ng mga bansa.

Bakit dapat maging syentipiko ang kulturang Pilipino? Dapat nitong iwaksi ang nakamamatay na epekto ng kulturang pyudal at malapyudal, palayain ang sambayanan sa pagkakagapos bunga ng mga pamahiin, kawalan ng edukasyon at misedukasyon at pakinabangan ang mga pag-unlad ng syensya sa mundo.

Dapat palayain ng syentipikong kultura ang mamamayang anakpawis at iba pang pwersang mapanlikha mula sa mga pwersa ng pang-aapi at pagsa-samantala. Dapat magsilbi ang syensya at teknolohiya sa pangkalahatang pag-unlad ng sambayanan. Ang kalalakihan at kababaihang nakapag-aral ng syensya ay hindi na dapat maging tagasilbi lamang ng mga imperyalista at lokal na reaksyunaryo.

Bakit dapat magkaroon ng katangiang pangmasa ang kulturang Pilipino? Higit sa lahat dapat nitong pagsilbihan ang masang anakpawis. Dapat paunlarin ng mga mamamayan mismo ang ganitong klase ng kultura. Nahahango ang pinakamahalagang kaalaman sa pamamagitan ng pag-alam sa kanilang kalagayan, mga pangangailan at kakayahan. Makakayanan at dapat gawing popular ang anumang mas mataas na kaalaman mula sa alinmang seksyon ng mamamayan.

Hindi dapat ituring na walang kabuhay-buhay na masa ang mga mama-mayan. Sa yugtong ito ng kasaysayan ng rebolusyong Pilipino, malinaw na pinamumunuan ng uring manggagawa ang sambayanan at binubuo sila pangunahin ng higit na nakakaraming manggagawa’t magsasaka. Dapat kumampi sa kanila ang intelihensya laban sa mga mapagsamantalang may-ari ng lupa at kapital.”

Download here: Imperyalismong Pangkultura sa Pilipinas